Sa tinagal-tagal kong nabuhay dito sa mundo ipinagtataka ko lang kung bakit nauso pa ang fling at commitment. Sabi kasi ng iba kaya daw sila nakikipag-fling para lang malibang, past time ba. E kung meron naman palang fling para saan pa yung commitment?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Fling.
v. flung (flng), fling·ing, flings
v.tr.
1. To throw with violence: flung the dish against the wall. See Synonyms at throw.
2. To put or send suddenly or unexpectedly: troops that were flung into battle.
3. To throw (oneself) into an activity with abandon and energy.
4. To cast aside; discard: fling propriety away.
v.intr.
To move quickly, violently, or impulsively.
n.
1. The act of flinging.
2. A brief period of indulging one's impulses. See Synonyms at binge.
3. Informal A usually brief attempt or effort: You take a fling at it.
4. A brief sexual or romantic relationship.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nung una hindi ako naniniwala sa fling, kasi bakit mo naman sasayangin yung oras mo sa isang tao na 'just for fun' lang. Gagastos ka ng pera para lang magkasama kayo tapos kapag pagod kana iiwan mo na lang siya dahil fling lang yun? Until now, hindi pa din ako naniniwala sa ganoon pero base sa mga kwento ng mga kaibigan ko at sa mga nababasa kong kwento ng pag-ibig USO NGAYON ANG FLING. Hindi ko alam kung bakit ang daming taong mahilig pag-aksayahan ng oras yung mga taong hindi naman nila gusto. Naiisip ko tuloy, ang fling ba ay isang paraan ng rebound? kasi kung titingnan natin halos lahat ng may fling ay yung mga lalake/babae na nasaktan sa past love nila at ayaw pa nilang magseryoso sa pag-ibig. At kung mapapansin niyo rin ang fling ay usually tumatagal ng buwan o taon na parang walang nangyari, ang feeling mo ay 'naging kami nga, pero wala namang pundasyon.. walang something' bakit? kasi pinipigilan mo yung sariling mong ma-inlove dun sa taong yun. Masasabi na ba nating ang fling ay rebound din? Pinasosyal lang ba natin ang word na rebound? sa totoo lang naman kasi masagwa kapag may nagsabi sayo na 'rebound mo?' syempre mahihiya ka kasi iisipin nila na hindi kapa over dun sa ex mo, Pero kapag 'ka-fling mo?' medyo sosyal ang dating at hindi masyadong panget pakinggan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Commitment>
n.
1. The act or an instance of committing, especially:
a. The act of referring a legislative bill to committee.
b. Official consignment, as to a prison or mental health facility.
c. A court order authorizing consignment to a prison.
2.
a. A pledge to do.
b. Something pledged, especially an engagement by contract involving financial obligation.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
'Ang love may sariling time frame yan, hindi yan pinipilit'
Commitment is a BIG word. Madaming takot dito, dahil takot silang masaktan at manakit. Ayaw nilang magseryoso dahil baka sa dulo sila din ang matatalo. Pero ako naniniwala ako dito, naniniwala din ako na isang beses ka lang pwedeng maging committed sa isang tao dahil isa lang naman ang puso natin. Isang beses lang din yan iibig ng totoo. Wala namang tao sa mundo to ang umibig ng pagkadami dami at lahat sila mahal niya, nasasagwaan nga ako dun sa mga babaeng ang dami-daming boyfriend. Ano yun lahat ng naging boyfriend niya minaha niya? diba napakaimpossible kasi talaga na mangyayari yung ganun. We only have ONE HEART so we can only LOVE ONCE. Maswerte nga yung mga first love ng isang babae dahil PURE yun at walang halong pangbobola dahil iisa lang ang mahal nila. Swerte din naman yung mga babaeng kahit hiwalay na sila ng boyfriend niya ay hindi pa ito makahanap ng iba dahil siya pa din ang sinisigaw ng puso niya, natatakot lang siya na baka sa huli magkasakitan ulit sila.
Humahanga ako sa mga taong kayang panindigan ang COMMITMENT. Sa panahon ngayon bihira na kasi yung taong kaya kang mahalin ng buo madalas kasi ginagamit ka lang nila para kalimutan yung past love nila. Masarap MAGMAHAL at masarap IBIGIN. Minsan kailangan din nating makaramdam ng sakit para malaman natin kung ano ang dapat sa hindi. Masmahirap maipit sa isang sitwasyon kung saan akala mo masaya kana pero sa huli mapagtatanto mo na pinilit mo lang palang maging masaya.
Kaya kayo, UMIBIG KAYO NG TUNAY! YUNG WAGAS! Minsan lang sa buhay ng tao ang Umibig ng tunay, kahit madami ka ng naging gf/bf/kabit/asawa andyan pa din yung nag-iisang babae/lalake na tunay ay wagas mong minahal. Yung taong bumuo ng pagkatao mo, yung nagbago sayo at dinala ka sa mabuting daanan. Mahirap humanap ng tunay na pag-ibig ngayon. Kaya ako'y nanalangin na sana lahat ng makakabasa nito ay makahanap ng TUNAY at WAGAS na pag-ibig.
Merong darating chill ka lang :)
Friday, June 18, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment