Lahat naman ng tao dumating sa ganitong stage. Yung tipong pinagtatabuyan ka na kasi hindi ka na daw mahal o mahiya ka naman daw dahil may bago na siyang karelasyon. Mahirap tanggapin minsan kung bakit kailngan matapos ang akala mong habang buhay mo ng hawak. Tama nga din ang sinabi nilang "Change is the only permanent thing in this world". Marahil dahil sa change na yun kung bakit ka nakakaranas ng saya o sakit ngayon.
Masarap ang MAGMAHAL, oo totoo yun wala akong pag-aalinlangan sa part na yun. Pero ang hindi masarap ay ang saktan ka ng taong mahal mo higit pa sa aso nyo.
Dahil sa isa akong babae, nararamdaman ko ang nararamdaman nung mga babaeng umaasa pa hanggang ngayon sa ex nilang wala ng ginagawa kundi makipaglandian sa ibang babae habang ikaw andun nag-aantay pa din na sabihin niyang mahal ka niya o kung anu-ano pa. Mahirap maipit sa ganitong sitwasyon, kasi sasabihin ni boy na 'girl, move-on na. Okay na ako o, okay na tayo bilang magkaibigan diba?' tapos ang gagawin naman nitong si girl e magmomove on hanggang sa masanay ng wala si boy. E biglang nagbreak si boy at yung gf niyang akala niya e mahal siya, tapos bigla nanaman siyang lalapit sayo at ikekwento lahat. Syempre ikaw naman tong si tanga makikinig at bibigyan pa ng advice na dapat ganito-ganun etc. etc. Syempre mabubuhayan ka ng loob kasi akala mo PWEDE na ulit kayo. Pero ang hindi mo lang alam ginagamit ka lang nyang escape sa mga nangyayari. ESCAPE as in ESCAPE.
Malamang sa malamang e, EMO ka nanaman ngayon habang binabasa mo tong blog na to. Sa totoo lang mahirap makipag-usap sa lalakeng paiba-iba ang isip daig pa ang bababe kung gawing complicated ang sitwasyon. Meron din kasing mga lalake na ipaparamdam sa iyong mahal ka niya kahit na meron siyang karelasyon. At meron din namang mga lalake na SOBRANG INSENSITIVE alam naman nilang gusto/hindi ka nkakamove on sa kanya e close close na kayo. Yung pilit na ibabalik yung pagiging friends nyo dati. Mahirap naman ata yun, pagkatapos mong saktan yung isang tao bigla ka na lang lalapit at sasabihing 'oi, friends na ulet tayo ha'. Hindi bat ang sarap sunugin ng mga ganung lalake.
Isa lang ang masasabi ko, kapag sinabi niyang ayaw na niya sayo.. iwan mo na.. hayaan mo na.. move on na.. hindi na maibabalik ang dati niyo.. wala ng permanente sa mundong to.. isipin mo din sarili mo, kawawa ka naman mukha ka ng lola.. mag-chill ka, hangout.. makipagdate kahit kanino.. kahit sa vendor ng sago sa palengke niyo.. find your happiness.. andyan naman mga kaibigan mo.. hindi ka nila iiwan PROMISE! kahit itaga mo pa yan sa noo ng katabi mo.. Maging masaya ka! Ipakita mong kaya mo at malay mo, dumating yung araw na marealize mong hindi ka pala para sa kanya.. kasi baka para sa akin ka.. ;P
Saturday, January 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

ahem ahem grbe ah nag e4t aq basahin2 khit ang sakit samata ng gnamin mong font tsk3 bitter kba sa mga lalake?! haha grbe ah tagoz skn un haha
ReplyDeleteto daniel: hindi po hehehe sinsabi ko lang kung ano yung napansin kong mga mali ng karaniwang lalake. meron kasing mga lalake na kapag alam nilang dehado sila sa isa e babaling sila sa iba :)
ReplyDelete