Hindi naman ako hirap na gamitin ang wikang banyaga. Ngunit, sa aking palagay ay masokay kung sariling wika ang gagamitin upang ipahayag ang sigaw ng damdamin. Ipinagmamalaki kong isa akong PINOY, sa isip, sa salita at sa gawa. Hindi man ako naging perpekto sa aking pakikipagkapwa tao at kung minsan ay sumasablay, alam kong PROUD TO BE PINOY ang drama ko.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit sa ganitong paraan ko ilalabas ang lahat ng aking hinanakit o mga opinyon. Mahilig akong magsulat, hindi nga lang ito na linang ng itigil ko noong nasa mataas na paaralan ako. Hindi naman ako ganun kagaling sa ganitong uri ng libangan. Ang totoo nyang hindi ko alam kung merong tatangkilik nitong blogsite kong wala naman talagang kakwenta kwenta ang laman. Marami-rami na din sa ating mga kababayan ang nahilig sa pagbabasa, ngunit hindi ang sariling atin. Aminado akong tagahanga ako ng mga banyagang manunulat. Masmaganda kasing basahin ang obra nila dahil hindi natin alam kung anong kultura ang meron sa kanila. Madalas din kasi sa mga pilipinong manunulat ay kung ano ang nangyayari sa ating bansa ay yun din ang isusulat. Sa tingin ko hindi nanaman ata natin kailngang malaman yun ng paulit-ulit dahil andito naman tayo.
opppssssssssss.. chill lang! testing lang yan. mahirap magsulat kapag ganyan ang paraan ng pagsusulat ko lalo na sa tulad kong hindi naman ganun kabihasa sa salitang tagalog. Pinoy ako pero hindi lahat ng salita sa pilipino dictionary alam ko. Hindi rin namana ako ganun kagaling upang maalala lahat ng salitang andun. Okay na sa akin yung may makakausap ako gamit ang wika natin ng hindi na kailangang tumingin sa diksyonaryo.
Debut ko to, kaya sana walang magsspoil ng trip ko. Trip-trip lang yan. Pagsusulat ang trip ko at Pagbabasa naman ang sayo. Pero, salamat sa pagbibigay mo ng kaunting panahon upang basahin ang una kong post. Sana maging supporter na kita, mag-antay ka lang. MOODY ako kaya paiba-iba ang topic dito.
Salamat at MABUHAY tayong lahat! <3
Friday, January 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment