Saturday, September 11, 2010

Ang Araw at Ang Buwan.

Unang Yugto...


Sa isang malayong lugar, merong dalawang katawang pangkalawakan ang hindi alam na nabubuhay ang isat-isa. Si Haring Araw at si Buwan. Sa Umaga, si Araw ang hari ng mundo. Siya ang nagbibigay ng sigla sa lahat ng matataamaan ng sinag niya. Masaya si Araw na araw-araw ay nagbibigay siya ng saya sa mundong iyon. At si Buwan naman na tuwing gabi ay nagbibigay ng ilaw na mundong binalot ng kadiliman. Siya ang naging gabay ng mga tao upang maglakad sa gabi at makarating sa kanilang paroroonan. Hindi alam ng dalawa na sa tinaggal-tagal na nabubuhay sila ay katabi lang nila yung magpapasaya ng higit pa sa sayang nararamdaman nila sa tuwing nagbibigay ng ilaw sa mundo.

Isang araw naisipan ni Araw na magpahuli ng konti sa paglubog para naman maabutan niya sa Buwan. Tahimik lang si Buwan ng lumitaw, hindi naman siya pala salita dahil wala naman na siyang makakausap tuwing siya'y lalabas sa gabi. Nagpakiramdaman ang dalawa hanggang sa binasag na din ni Araw ang katahimikan. "Kamusta kana Buwan?" "Ayos lang ako, maliit pa din hindi katulad mo lalong lumalaki" Mahiya-hiyang sumagot si Buwan. Natawa lang si Araw dahil siya lang ang nakapansin sa paglaki nito. "Tinitingnan mo siguro ako lagi no? sabay tawang sinabi ni Araw. "Paano kita hindi makikita lagi, e ikaw kaya ang pinakamalaking bituin sa langit. Tapos masyado kang mainit. Ako lang naman ang hindi napapansin dito, dahil sa tuwing lalabas ako lahat ng tao tulog na. Wala ng oras para kamustahin ako o mapansin ang kagandahan ko." Maluha-luhang sinabi ni Buwan kay Araw. Napaisip si Araw, ganun ba siya kaswerte at lahat ng atensyon na gusto niya ay nakukuha niya? Napaisip siya at unti-unting lumayo kay Buwan. Habang si Buwan, magisa sa malamig nanamang gabi. Pinagmasdan ni Araw si Buwan sa malayo, iniisip niya kung sa tagal-tagal na nilang nabubuhay dun e naranasan na ba niyang umibig? Kasi sa tagal-tagal ding nabuhay ni Araw hindi pa niya naranasan ang magmahal. Yung tipong merong ngiti sa bawat araw niya, yung rason kung bakit hanggang ngayon buhay pa siya. Nalungkot na din si Araw, Naisip niya na katulad lang din pala siya ni Buwan. Mag-isa. Walang lovelife. Boring. Walang Happiness. Hindi mapakali si Araw kaya panay ang silip niya kay Buwan tinitingnan kung kahit isang beses ay makita niya itong ngumiti. Pero sa halip na makita itong nangumiti, nakita niya itong umiiyak. Gusto man niya itong lapitan e hini niya kaya dahil iniisip niya "hindi kaya ako ang nagpaiyak dito?" Pero dahil siya si Haring Araw, nilakasan niya ang loob niya at sumigaw "Hoy Buwan! Bakit ka malungkot?" Tumingin sa kanya si Buwan habang lumuluha at sabay sabing "Ngayon ko lang kasi nakita ang sarili ko sa mga mata mo, ngayon ko lang nalaman kung gaano ako kaganda sa mata ng iba. Natutuwa lang ako at kahit papano maganda pala ako" isang kabog ang naramdaman ni Araw pagkatapos sabihin ni Buwan lahat yun. Ngayon lang din siya nakarinig na tinitingnan siya hindi sa panglabas niyang anyo kundi sa kanyang mga mata. Simula nung araw na yun, Hinangaan na ni Araw si Buwan at lagi na niya itong binibisita. Naging matalik silang magkaibigan, naging karamay ng isat-isa sa bawat unos at hirap sa pamumuhay sa mundo. Unti-unti ding napagtanto ni Araw na, baka si Buwan na ang sagot sa kanyang mga hiling. Yung nagiisa na tatama sa lahat ng mali sa buhay niya, yung magiging rason na maslalo pa niyang napasaya ang mga tao sa mundo. Isang gabi habang nakangiting nakatingin sa kalawakan si Buwan. Sumigaw bigla si Araw "Buwan!!! MAHAL NA MAHAL KITA!" Nawindang lahat ng bituin at nagtawanan habang pasimpleng ngumiti si Buwan.

To be continued..

No comments:

Post a Comment