“More than 50% of rebound relationship ay masaya lang sa una”
Normal na ang magmahalan ang dalawang tao. Merong fling na nauuwi sa totohanan at meron din naming seryosohan na nauuwi sa lokohan.
Mahirap maipit sa isang rebound relationship lalo na kung alam mong mahal pa ng gf/bf mo yung ex nila. At mas lalong mahirap ang pilitin ang sarili mong magmahal ng iba kahit alam mo sa sarili mo na sya pa rin talaga, dinedeny mo lang.
Merong uri ng tao na kapag iniwan ni bf/gf ah hindi kaagad naghahanap ng iba, dahil itong mga taong to ay MATATALINO. Sinisigurado nila na kapag nagmahal ulit sila ng panibago ay buo na ulit ang pagkatao nila at kaya na nilang harapin lahat.
Sa kabilang banda, meron ding mga tao nabago sila makipagbreak sa current gf/bf nila ay sinisigurado muna nila na meron silang lalandiin if ever na maghiwalay sila ni bf/gf. Ito yung mga taong wala ng ginawa kundi makipaglandian kung kani-kaninong babae/lalake/babae/lalake or kung ano pang kasarian ang meron sa mundo natin.
Samantalang meron din naming mga tao na dumadaan sa shortcut. Gustong minamadali lahat, kaya ayun wala silang napala kundi PAIN and SUFFERING. Ito kasi yung mga taong nakikipagbreak kaya malakas ang loob nila na iwan si ganito dahil alam niya makakahanap din naman asiya ng kapalit. Ganyan ang mentality niyang mga taong yan, INSENSITIVE ika nga. At madalas, sa kanila napupunta yung mga REBOUND REALATIONSHIP in short MGA TAGA SALO.
Naalala ko, merong nakapagsabi sa akin na kaya sya nagkaroon ng gf ay para makalimutan ako. E samantalang nung mga panahong yun single ako at hindi naghahanap. Ewan ko kung bakit hindi pumasok sa kokote nya na balikan ako, sya lang naman inaantay ko. Anyways, tulad nga ng sinabi ko, mahirap ang rebound relationhip. Lalo na kung walang ginawa yung gf/bf mo na sumbatan ka ng kung anu-ano like, “buti pa si ____ binibigay nya lahat ng gusto ko”. E bobo din talaga yang mga nagsasabi ng ganyan, bkt? Dahil:
UNA. Kakakilala nyo lang duh! Buti sana kung 6yrs na kayong magkakilala para makabisado na nya lahat ng galaw mo.
PANGALAWA. Diba naggagamitan lang kayo? Kaya wag kang masyadong demanding!
PANGATLO. Tsk! Tsk! Hindi mo naman talaga mahal yan diba? Pinipilit mo lang sarili mo.
PANG-APAT. Masabing my bf/gf lang. Kala nya kasi cool yun at dapat paglaruan ang damdamin ng iba. Sige na ikaw na maganda/gwapo.
PANG-LIMA. Magsabi ka naman ng totoo kahit minsan. Nilalason mo kasi sarili mo sa mga kasinungalingan. Try mo kayang makinig sa paligid baka sakaling my mapala ka. At huwag ng magdeny na mahal mo pa ex mo kasi halata naman. Nakakasakit ka lang, kawawa naman sya. ACTION SPEKAS LOUDER THAN WORDS.
Sa ngayon, 6months na akong single. Never pang sumagi sa isip ko ang magkaroon ulit ng karelasyon, meron mang situations pero natatakot ako.. ayoko kasing makasakit ako ng ibang tao. At alam ko din naman sa sarili ko na hindi ko pa sya nkakalimutan kaya I DON’T WANT TO TAKE THE RISK ON FORCING MYSELF TO LOVE SOMEONE AGAIN~ ayoko din naming pumasok sa REBOUND RELATIONSHIP dahil napakakumplikado ng ganun. At in the first place, hindi ko naman talaga ganun kagusto yung tao, nakakawalan ng gana. Sigurado din tipid ako sa mga actions and words dahil hindi ko naman talaga sya gnun kagusto, kaya ang resulta ok lang sa akin kahit di ko sya kausapin etc. etc. Ayoko din nung tipong MASABING MAY BF/GF lang ba. AYOKO NG GANUN! AYOKONG GUMAMIT NG TAO PARA SA SARILING INTEREST! AYOKONG MASAKTAN AT AYOKO DING MAKASAKIT. KAYA MASOKAY PANG ANTAYIN KO YUNG ARAW NA HANADANG HANDA NA AKO PARA MULING MAGMAHAL, PARA KAYA KONG SABIHIN NA, “Minahal kita dahil mahal kita”.
:3
Monday, January 25, 2010
Saturday, January 16, 2010
Ayaw mag-move on kasi UMAASA PA!
Lahat naman ng tao dumating sa ganitong stage. Yung tipong pinagtatabuyan ka na kasi hindi ka na daw mahal o mahiya ka naman daw dahil may bago na siyang karelasyon. Mahirap tanggapin minsan kung bakit kailngan matapos ang akala mong habang buhay mo ng hawak. Tama nga din ang sinabi nilang "Change is the only permanent thing in this world". Marahil dahil sa change na yun kung bakit ka nakakaranas ng saya o sakit ngayon.
Masarap ang MAGMAHAL, oo totoo yun wala akong pag-aalinlangan sa part na yun. Pero ang hindi masarap ay ang saktan ka ng taong mahal mo higit pa sa aso nyo.
Dahil sa isa akong babae, nararamdaman ko ang nararamdaman nung mga babaeng umaasa pa hanggang ngayon sa ex nilang wala ng ginagawa kundi makipaglandian sa ibang babae habang ikaw andun nag-aantay pa din na sabihin niyang mahal ka niya o kung anu-ano pa. Mahirap maipit sa ganitong sitwasyon, kasi sasabihin ni boy na 'girl, move-on na. Okay na ako o, okay na tayo bilang magkaibigan diba?' tapos ang gagawin naman nitong si girl e magmomove on hanggang sa masanay ng wala si boy. E biglang nagbreak si boy at yung gf niyang akala niya e mahal siya, tapos bigla nanaman siyang lalapit sayo at ikekwento lahat. Syempre ikaw naman tong si tanga makikinig at bibigyan pa ng advice na dapat ganito-ganun etc. etc. Syempre mabubuhayan ka ng loob kasi akala mo PWEDE na ulit kayo. Pero ang hindi mo lang alam ginagamit ka lang nyang escape sa mga nangyayari. ESCAPE as in ESCAPE.
Malamang sa malamang e, EMO ka nanaman ngayon habang binabasa mo tong blog na to. Sa totoo lang mahirap makipag-usap sa lalakeng paiba-iba ang isip daig pa ang bababe kung gawing complicated ang sitwasyon. Meron din kasing mga lalake na ipaparamdam sa iyong mahal ka niya kahit na meron siyang karelasyon. At meron din namang mga lalake na SOBRANG INSENSITIVE alam naman nilang gusto/hindi ka nkakamove on sa kanya e close close na kayo. Yung pilit na ibabalik yung pagiging friends nyo dati. Mahirap naman ata yun, pagkatapos mong saktan yung isang tao bigla ka na lang lalapit at sasabihing 'oi, friends na ulet tayo ha'. Hindi bat ang sarap sunugin ng mga ganung lalake.
Isa lang ang masasabi ko, kapag sinabi niyang ayaw na niya sayo.. iwan mo na.. hayaan mo na.. move on na.. hindi na maibabalik ang dati niyo.. wala ng permanente sa mundong to.. isipin mo din sarili mo, kawawa ka naman mukha ka ng lola.. mag-chill ka, hangout.. makipagdate kahit kanino.. kahit sa vendor ng sago sa palengke niyo.. find your happiness.. andyan naman mga kaibigan mo.. hindi ka nila iiwan PROMISE! kahit itaga mo pa yan sa noo ng katabi mo.. Maging masaya ka! Ipakita mong kaya mo at malay mo, dumating yung araw na marealize mong hindi ka pala para sa kanya.. kasi baka para sa akin ka.. ;P

Friday, January 15, 2010
English ang title, pero tagalog ang gagamiting wika
Hindi naman ako hirap na gamitin ang wikang banyaga. Ngunit, sa aking palagay ay masokay kung sariling wika ang gagamitin upang ipahayag ang sigaw ng damdamin. Ipinagmamalaki kong isa akong PINOY, sa isip, sa salita at sa gawa. Hindi man ako naging perpekto sa aking pakikipagkapwa tao at kung minsan ay sumasablay, alam kong PROUD TO BE PINOY ang drama ko.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit sa ganitong paraan ko ilalabas ang lahat ng aking hinanakit o mga opinyon. Mahilig akong magsulat, hindi nga lang ito na linang ng itigil ko noong nasa mataas na paaralan ako. Hindi naman ako ganun kagaling sa ganitong uri ng libangan. Ang totoo nyang hindi ko alam kung merong tatangkilik nitong blogsite kong wala naman talagang kakwenta kwenta ang laman. Marami-rami na din sa ating mga kababayan ang nahilig sa pagbabasa, ngunit hindi ang sariling atin. Aminado akong tagahanga ako ng mga banyagang manunulat. Masmaganda kasing basahin ang obra nila dahil hindi natin alam kung anong kultura ang meron sa kanila. Madalas din kasi sa mga pilipinong manunulat ay kung ano ang nangyayari sa ating bansa ay yun din ang isusulat. Sa tingin ko hindi nanaman ata natin kailngang malaman yun ng paulit-ulit dahil andito naman tayo.
opppssssssssss.. chill lang! testing lang yan. mahirap magsulat kapag ganyan ang paraan ng pagsusulat ko lalo na sa tulad kong hindi naman ganun kabihasa sa salitang tagalog. Pinoy ako pero hindi lahat ng salita sa pilipino dictionary alam ko. Hindi rin namana ako ganun kagaling upang maalala lahat ng salitang andun. Okay na sa akin yung may makakausap ako gamit ang wika natin ng hindi na kailangang tumingin sa diksyonaryo.
Debut ko to, kaya sana walang magsspoil ng trip ko. Trip-trip lang yan. Pagsusulat ang trip ko at Pagbabasa naman ang sayo. Pero, salamat sa pagbibigay mo ng kaunting panahon upang basahin ang una kong post. Sana maging supporter na kita, mag-antay ka lang. MOODY ako kaya paiba-iba ang topic dito.
Salamat at MABUHAY tayong lahat! <3

Subscribe to:
Comments (Atom)