Tuesday, January 25, 2011

Paano mo malalaman if its time to..

Marami sa atin ang nababahala sa mga bagay na maaring mangyari sa hinaharap. Totoo bang end of the world na sa 2012? totoo bang seasonal ang mga flying ipis? Paano mo ba malalaman kung 'thiz iz it' na ang drama mo?

Unang tanong: Paano mo malalaman kung babagsak kana sa subject mo?
-Pwede mong tanungin ang teacher/professor mo kung papasa kaba o hindi pero kapag ang sagot sayo ay 'we'll see' huwag ka ng umasa dahil malamang sa malamng at hindi ka niya kilala. Huwag ng umaasang madadagdagan ang recitation mo.
-Ilista ang lahat result ng nakukuhang score sa quizzes/seatwork/recitation/exams tapos alamin kung paano kinocompute ang grade tapos ikaw na mismo ang magcompute ng grade mo.
-Kung hindi ka naman pala pasok sa subject mo e huwag ka ng umasa na papasa ka
-Kung palagi ka namang late, pwede na din umasa ka ng kaunti pero konti lang ha at baka magbigti ka pag lumabas na yung results ng grades mo.

Pangalawang tanong: Paano kumain ng beef burito sa tyaco bell?
-Alalahanin: Huwag na huwag mong pipisatin yun kung hindi magsisi ka at lahat ng binayad mo at masasayang dahil malalaglag lang lahat ng iyon sa sahig.
-Humingi ng hot sauce yung nasa sachet tapos basahin ang mga nakasulat. Malay mo kasing swerte mo ako at makakuha ka ng sachet na may nakasulat na "will you marry me?" Itago at ibigay sa taong mamahalin habang buhay. TAKE NOTE: Habang buhay.
-Huwag ding kakalimutang umorder ng bottomless drink para naman sulit ang pag stay sa taco bell
-Lagyan ng hot sauce at unang parte ng burito tapos sabay kagat.
-Uminom ng biniling inumin
-Kumain ulit at huwag kakalimutang maglagay ng hot sauce
-Makipagkwentuhan ng mga ilang minuto tapos kain ulit following the previous eating steps.
-Hanggang sa mapapansin mo na lang na, ubos na yung burito mo ng busog kana at mukha ng bundat.

Pangatlong tanong: Paano umamin sa lasing na crush?
-Hayaan mo muna siyang malasing and all. Yung tipong nagkakanta at nagsasayaw na ng kung anu-ano
-Uminom din ng madami para hindi masabing KJ/EPAL/CORNY ka ng crush mo at ng mga kaibigan mo
-TANDAAN: Huwag na huwag magpapalasing dahil kung hindi sayang yung moment makakalimutan mo
-Anatayin mong masolo mo crush mo yung tipong bangag na siya
-TIP: Alagaan mo crush mo. Huwag mong iwan, kapag may kinukulit na iba hatakin mo ikulong mo sa mga bisig mo i di naman kaya imaster lock mo ng hindi makapalag. Mahirap na baka maunahan kapa ng iba
-Kapag feeling mo lasing na siya paupuin mo tapos makipagkwentuhan ka muna ng ilang minuto tapos biglang sabi na: "sayang may sasabihin pa naman ako sayo"
-BABALA: hinihikayat kong sundin ninyo ang mga sumusunod ng dayalogo para sa ikakagaganda ng takbo ng mga maiitim mong balak.

Ikaw:I wanna tell you something..
Crush; What is it?
Ikaw: Nah~ just forget bout it
Crush: No tell me. After all I wont be able to remember this when i woke up
Ikaw: I dont know, may possibility pa din e
Crush: No. Dont worry none will change
Ikaw: I like you (If you still like him/her) or I used to like you (if kinakalimutan na siya or nakalimutan na or i still like you (obvious naman na kung para saan to diba?)
Crush: e why me?

-Tapos hayaan mo ng humaba ung paguusap niyo ng kung anu-ano. Kung gusto mo pa e dahil mo na sa kwarto para makahiga(walang masamang gagawin, hindi kinakailangang reypin ang crush. Tandaan: NO RAPE)
-Matulog kana din at hayaang bulabugin ka ng konsensiya mo at malaman pagdating ng umaga na nasayang lang lahat ng ginawa mo dahil, wala ngang maalala si crush.

Pang-apat na tanong: Paano mo malalaman kung siya na talaga, yung tipong siya na si forever, siya si future love. siya na lahat lahat?
-Madali lang ang agot diyan. Nasasaiyo na yun kung siya na talaga. Nasa inyo ding dalawa yun kung kayo na talaga. Huwag kasing maexcited masyado sa mga nangyayari sa 2012 pa naman ang end of the world meron ka pang ilang months na pwedeng magloko. Enjoy life, sayang naman kung bigla kang masunog tapos ni hindi mo man lang nagagawa lahat ng mga masasayang bagay sa mundo like aminin sa crush mo na gusto mo siya, nakipagbreak sa gf/bf mo dahil hindi kana masaya, sabihin sa ex mo na mahal mo pa siya o hindi naman kaya ay kumuha ng buhok ng kaklase mo. Marami kang kailngang iconsider na factor ang mga tanong na to: Mahal mo ba? Mahal kaba? Nakikita mo ba sarili mo in the future with him/her? Nakikita din kaya niya yung nakikita mo? Paano kung hindi? Paano kung kayo nga pero parang wala lang? Paano kung biglang sumabog yan pc/laptop/iphone/bb/iPod na hawak mo? Paano ka makakapagpaopera kung wala ka namang pera? Paano na yung aso niyo? dba? masakit sa ulo mag-isip. Kaya hinay hinay lang.


Life is not about how much money you earn or kung ano mang bagay ang meron ka ngayon. Life is about being happy and choosing to be happy. Minsan kasi may mga taong akala nila masaya sila pero in the end of the day marerealize nila na hindi naman pala. So hanggat buhay at humihinga ka pa enjoy life! Huwag maging masyadong seryoso sa buhay, oo kalabaw lang ang tumatanda pero gusto mo bang magmukhang matanda?